Haggai 1: 1-8
Naranasan mo na ba ito?
Kahit anong laki na ng sweldo, mas lalong lumalaki ang mga gastusin.
Kahit anong pagsusumikap mag ipon, mas lalong lumalaki ang butas ang bulsa.
Kaya kahit anong kain, di mabusog busog kasi nag iisip na naman kung saan bubunot ng susunod na pambili.
Kaya kahit anong baluktot, malamig pa din kasi nararamdaman mo mas lalong umiiksi ang kumot.
Ang resulta? Mas pagod at bugnutin at lalong sumasama ang loob kasi ang pakiramdam, ng magbigayan ng malas sa mundo, ikaw ang sinwerte makatanggap ng sandamukal.
Ano ang dapat gawin pag kinakapos?
Pag pakiramdam eh kulang lagi ang lahat?
Pag pakiramdam eh kapos lagi ang biyaya?
Magbigay.
Kahit ibig sabihin kunti na lang ang natitira.
Kahit ibig sabihin wala ng matitira.
Karamihan kasi nagsasabi, magbibigay ako pag may pera na ako.
Pag nanalo ako sa lotto.
Pag sinwerte na ako.
Pumuti na ang uwak, di pa rin makapagbigay.
Kasi ang pagbabahagi ay di nakadepende sa swerte.
Di nakadepende sa pangako.
Nakadepende sa kung anong meron ka.
Kung ano ang kaya mong ibigay.
Ngayon.
Sa ating pananampalataya, common sense ito.
Pero sabi nga, kung ano pa ang pinaka common, siya pa ang bibihirang gamitin…
Kung gusto mo makatanggap ng ngiti, magbigay ka ng ngiti.
Kung gusto mo makatanggap ng sampal, magbigay ka ng sampal.
Ang pangangaral na ito ay di para palaguin ang bulsa ng iba.
Ang pangangaral na ito ay para palawakin ang puso natin.
Kaya tayo nagbibigay para maipakita natin na ang pinakamahalagang bahagi sa atin ay ang puso, di ang bulsa.
Kaya tayo nagbabahagi para gayahin ang halimbawa ng ating panginoon sa krus.
Nagbigay di lamang kung anong meron siya, kundi higit sa lahat, ng buong buhay niya.
No comments:
Post a Comment