Saturday, September 19, 2009

write positive

May isang suki ako.

Di siya parokyano pero ang sipag niya pumunta sa akin para kumonsulta.
Halos linggo-linggo.
Counseling. Advice-giving.
Palagi daw kasi siyang nagkakasakit.
Negative thinker daw kasi siya.

Noong una, nagkamali ako nang tanungin ko kung ano ang mga negative thoughts na iyon.
Aysusme.
Ubod ng dami.
Talo pa litanya ng mga santo.
Aminin ko na, I lost count when she reached negative thought # 50.
Di ko alam kung umabot kami ng isang daan, pero malapit na magshort circuit at mag hang ang utak ko.

Noon una nakikinig lang ako.
Natutuwa kasi ako.
Ngayon lang ako nakakita ng isang tao na kayang sabihin sa iyo ang lahat ng negative thoughts ng walang puknat.
Kayang irecite ng walang tigil, kung meron man, para habulin lang ang hininga. Tapos, ratsada na naman.

Noong kalaunan, syempre, di na nakakatuwa.
Pati ako nabibigatan na.
Kaya change strategy.
Pinabili ko siya ng notebook at ballpen.
Pagkita namin, pinalista ko lahat ng negative thoughts niya.
Mabilis siyang nagsulat.
Halos mangalahati ang notebook.
Mukhang bibili agad ulit.
Mukhang yayaman ang National Bookstore dahil sa kanya.
Part naman yun ng strategy.
Di yung payamanin ang National Bookstore.
Kundi ang palistahin siya.

Next step.
Listahin lahat ng positive thoughts, mga blessings.
Nag-isip siya.
Tumingin sa akin.
Tumingin sa malayo.
Nag-isip ulit.
Tumingin sa notebook.
Nag-isip ulit.
Nagsulat.
Matagal tagal din ang binuno para mapuno ang kalahating page.
Pinagpawisan pa nga.

No wonder nagkakasakit.
Comfort zone na niya ang negativity.
Ewan ko lang kung aalis siya dun, desisyon nya yun.
Pero sana makatulong ang advice ko na magsulat
At mamulat sa kagandahan ng buhay.

No comments: