7 reflections/whatnots.
Recruitment/Commitment
Very aggressive ang recruitment sa simbahan.
Observe mo.
Matindi.
Kaliwa’t kanan.
Minsan di hayag. Minsan harap harapan.
Ibat ibang ministries. Organizations. Communities.
Buti na lang di na nakikisawsaw ang mga fraternities, sororities at gangs.
Sa mga taong simbahan pa lang kasi, loaded na.
Lectors and commentators, ministers of communion, choir, collectors, usherettes.
K of C, CFC, AP, MBG, CWL at lahat ng acronyms na maisip at di lubos maisip.
Di lang membership, pati na din sa fellowship. At fundraising. Or all of the above.
Minsan pati ako narerecruit.
Fader, sama ka na sa ballroom dancing naming mga Adoracion Nocturna!
Daming DI, kulang ng sasayaw. Late na daw kasi. Hanggang 10pm lang daw kaya ng iba.
At ang makukuha namang pera, para sa bagong damit ni Maria, Ina ng Laging Saklolo.
Juskopo, help! Di ako marunong sumayaw. Sa ibang bagay niyo na lang ako irecruit at hingian ng commitment.
Ganun naman kasi pag nagrecruit, para hingian ng commitment ang tao.
Panliligaw.
Kaya lang, kadalasan, nangyayari, lipatan lang ng kinabibilangan.
Palitan lang ng commitment.
At uniform.
Di dapat ganun.
Para sa akin ha.
Kasi, ano kaya pakiramdam mo, agawin ko sayo mister mo? Boyfriend mo?
Di ba, away yun?
Wag mo na siyang kunin.
Sabi nga ng mga teens, Fadz, its magulo. Its complicated.
Maghanap ka ng single. At available.
Kasi pag hindi, pangangalunya yun.
At ano ang pangangalunya? Pakikiapid.
At ano ang pakikiapid? Pangangalunya.
Sa madaling salita, namamangka sa dalawang ilog.
Katoliko tayo, kaya dapat isa lang ang asawa, este, commitment.
Kung ayaw mo, lumipat ka ng ibang relihiyon.
Ewan ko lang kung may tatanggap sayo.
Maging muslim o iglesya kasi,
Tig-iisang Diyos pa rin.
Kaya, next time mangrecruit tayo,
Please lang,
Recruit natin, bagong mukha,
Wala pang commitment,
Single and available kumbaga.
Wag ng magulo.
Unless of course, enjoy ka sa paglalagay sa status mo, its complicated.
Complicated ka lang talaga. Wag ka ng mangdamay. Please lang.
Special
Paano pag may taong nakikiusap at humihingi ng special na pabor sa Simbahan?
Alam na natin yun. Yung Special. Kakaiba. Para special ang dating.
Pag nakiusap, pinapaliwanagan ko na di pwede, sa kadahilanang komunidad tayo, lahat tayo special children dahil lahat tayo children of God.
At pag pumayag, Praise God! Tunay siyang pagpapalain ni Lord. Promise.
Kasi pag pumayag ako, ano na lang ang sasabihin ng mga pinaliwanagan ko, tinanggihan at umintindi, kahit papano?
Nakakahiya, di ba?
Nakakatakot pa nga, baka kung ano pa ang gawin nila sa akin.
Maawa naman kayo sa akin.
At kapag nakiusap ng pangalawang beses, at may bitbit pang padrino o kung sino pang pilato na malapit daw sa simbahan o close kay fader, daw.
Balik ulit sa mas masinsinang paliwanagan.
Ika nga, back to square one.
Pag nakatatlo na, at may kasama ng mga personalidad na mas maimpluwensya sa lipunan, katulad nina Ninoy Aquino, Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim, ganun na naman ulit, mas matinding paliwanagan, tatlong beses na kaya memorized ko na ang paliwanag. Di ko lang alam sa kanila kung talagang sobrang lalim ng sinasabi ko at di maintindihan o maabsorb o nagbibingibingihan na lang talaga. Sa loob loob ko lang, di ko kailangan mga kasama niyo, mas kailangan niyo sila, sa pagpapagamot ng katigasan ng ulo.
Gusto ko nga rin lagyan sila ng sign sa likod, “ako ang awayin ninyo (o di kaya saksakin sa galit) dahil ako ang dahilan kung bakit pumayag si fader sa special favor na hiningi ko,” kung pwede nga, all caps lahat.
Actually, pag ganun na katindi ang pakiusap, pinagbibigyan ko na ang mga taong nang-iistorbo pati ng pari dahil lang sa sariling kapritso. Mahirap daw gisingin ang mga taong nagtutulugtulugan.
Sa ganitong sitwasyon, eto na lang pinapanghawakan ko, pagpapalain ako ni Lord. Panalangin ko yan. Promise.
Donation
Paano pag may taong nagbibigay ng patago?
Fader, wag mo na ipaalam sa mister ko na nagbibigay ako ha. Tiyak, magagalit yun.
Tinatanggihan ko ang mga ganun. Kung pwede lang.
Mapanganib kasi ang ganung gawain.
Malamang kahahantungan lang yun ng away ng mag-asawa pag nagkahulihan, at kadalasan sa mga ganitong sitwasyon, habang naglalaba si mister ng mga damit ni misis at nakita sa bulsa ang resibo ng parokya.
Medyo ok na nga lang ang masakit na palitan ng salita, mahirap kasi pag maging pisikal na.
At mapanganib din sa akin yun. Damay ako sa crossfire. At di naman para sa akin ang pera. Para kay Lord. Bakit pati ako, mapapaaga ang pakikipagkita kay Lord?
Kaya ang advice ko, wag na lang po. Ibigay nyo na lang po sa mister ninyo ang pera ninyo.
Sa kanya na lang po kayo magdonate. Siya na lang po ang turuan ninyong magbigay kay Lord.
Marunong na po kayong magbigay at yun naman po ang mahalaga.
Para po eto sa kabutihan at kapakanan nating lahat.
Pakiusap lang.
Good News/Bad News.
Father, I have bad news and I have good news.
What do you want to hear first?
Of course, as usual, give me the good news first. Then the bad news.
The good news, we cannot do something about. Except feel good. It has served its purpose - it has strengthened us to receive the bad news gracefully.
Good news first then the bad news.
Not even the best good news can be a lot better in news than the best of the worst news. Bad news will always take center stage.
That is why we will listen to it. For us to know how to boot him off stage.
Why listen to news?
Good news - to prepare us for the bad news.
Bad news - to change them into good news. If we can.
How? Solutions, of course.
There are bad news and there are bad news.
There are bad news that we cannot change. Calamity is the other word for it.
There are bad news that can be resolved. Most of us call them problems.
That is what we will solve, problems. Bad news.
So that they will become good news.
One Big Idea
I come up with a lot of ideas every day. Hundreds of them.
I am not kidding.
I am not exaggerating.
That is why I have a notebook with me, beside my bed, in my office.
That is why I love my phone for having an electronic post it note app. And a voice recorder.
Before, I find having these ideas annoying, disturbing, distracting.
Until I got to listen to my very young nephew declaring - I have so many things on my mind and I don’t know what to do, I think im going crazy!
My family thought it was funny. I thought it was cute especially if it happens to someone else other than myself.
Oftentimes I take it as a challenge. Now I have come to just accept it as a fact of life.
There are ideas and there are ideas.
I would be lucky if one of those ideas would work. And I would be the luckiest in the world if I get to know which of those ideas would be the one big idea.
That is why I write them down. Play with them on my mind. Test them. Put them outside the box. Put them right in. Put them out again. Until the ideas get tired of playing around with me. Until I get tired of them ideas playing around with me. Until I get a firm hold on them. Until I get hold of enough courage to test them. To see if they will work in real life. If not, then it’s back to the drawing board…
Mangarap Ka
Ang lawak ng ating kayang gawin bilang isang parokya, komunidad, alagad
Ay magiging kasing lawak lamang ng ating pangarap, ng ating imahinasyon, ng ating pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos.
Actions come later.
Ideas, plans, dreams need to come first.
Salita/Gawa
Di lamang dapat tayo puro salita at walang gawa.
Di naman dapat puro gawa at walang salita.
Kailangan may salita tayo na magtutulak sa atin para gumawa.
Kailangan may gawa din tayo na nagpapatunay sa ating mga salita.
Kailangan may salita tayo na makakatulong sa atin para makagawa.
Kailangan may gawa din tayo na tumutulong sa ating mga pinagsasalitaan.
Kailangan may salita tayo para maunawaan natin ang ating mga ginagawa.
Kailangan may gawa din tayo para mapalalim ang ating mga salita.
Malalim ang koneksyon ng salita at gawa. Iisa sila, pinagbuklod ng Diyos.
Salita at Gawa, Diyos mismo.
No comments:
Post a Comment